Ang
integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang kahulugan nito bilang
“kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa o kumpleto ang kaniyang
pagkatao” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din ang kaniyang ginagawa. Kung
ano siya sa publiko, ganoon din siya sa probadong buhay o sa lugar na walang
nakikita. Ang mabubuting sinasabi ng mga tao patungkol sa kaniya ay ganoon din
ang sinasabi ng kaniyang mga kasambahay. Siya ay iisang tao maging saan manat
anumang sitwasyon ang kaniyang makharap. Siya ay bukas na aklat; walang
tinatago; walang kinatatakutan.
May ilang tao na ang tingin sa integridad ay
listahan ng bawal gawin at dapat gawin. Ngunit ang integridad au higit kaysa
listahan. Ang integridad ay pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na
binubuo mo tungosa iyong pagiging responsibilidad. At kung sino ka iyon ang
iyong gagawin. Pinag-iisa nito ang iyong sinasabi at ginagawa. Mahalaga ang mga
ito sa pagbuo ng sarili tungo sa kaganapan ng pagkatao.
Bakit
mahalaga ang integridad? Narito ang mga dahilan:
Una,
nagbibigay-galang sa iyong sarili. Kung may paggalang ka sa iyong sarili,
nangangahulugan ito na malinis ang iyong konsensiya at nakatutulog ka sa gabi
ng mahimbing.
Pangalawa,
bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng ibang tao.
Pangatlo,
ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya.
Ayon
kay Mahama Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ng pagbabago at kung gusto mo
ng mas maayos na buhay, dapat simulant mo sa iyong sarili.” Kung sisikaping ng
bawat isa na magbago, unti-unting magbabago an gating lipunan. Kapag tinanggal
mo ang kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang kasamaan ng lipunan. Ikaw,
kaya mo bang simulant ito sa buhay mo?
(an excerpt Edukasyon sa
Pagpapakatao B.10 pp. 353-355)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.