Masikip na
panaginip
Sinulat ni: Ellyson Del
Rosario
At nagtagpo nga,
Ating mga mata.
May paghanga.
Tila isang tadhana
O guna-guna.
Mahirap maniwala
Dahil baka sa isang iglap
At mata’y may pagkislap
Baka iwan mo rin sa alapaap.
Mukhang panaginip
Pero nakakainip
At base sa ihip
Ayokong sumilip.
Sa huli’y nagising
Dahil sa sinaing
Mainit,
At hihirit .
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.