Lihim
na Pagtingin
Panunulat ni: Faith Celo
Manimtim
Konsepto ni: Ellyson Del
Rosario
Ang
dila’y nagiging pilipit
Sa
tuwing ikaw ay lumalapit
Dinadaga
na ang dibdib
Sa
nasungkit na Pag-ibig.
Nananahan
ang hiya
Namumula
yaring mukha
Hindi
maapuhap ang tadhana
Puso
yata’y nanghihina.
Tumitiklop
ang bawat salita
Kinukubli
ang isinulat na kataga
Ninais
kong ipahayag ang lahat ng tugma
Isiwalat
aang mga talinhaga
Ngunit
napipi na rin yata maging mga tula.
Nabahag
na ang buntot,
Tuhod
ko’y nanlambot
Puso’y
tuluyang kumabog
Sa
paglitaw mo’t pagsulpot.
Ilang
pahina na ng papel ang nalukot
Ilang
laway na ang tuluyang nalunok
Ngunit
wala pa ring lakas ng loob
Ang
pusong sa bangi’y unti-unting
Nahuhulog.
At
sa sandaling aking maamin
Laman
ng damdamin
Sana’y
balang araw ay iyo ring mapansin
Itong
itinagong pag-ibig at lihim na pagtingin.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.