Si Hesus muna!
Mateo 6:32-33
32 Sapagkat ang mga bagay na ito ang
kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong
Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
33 Ngunit pagsumakitan ninyo nang
higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa Kanyang
kalooban, at ipagkakaloob Niya ang lahat ng kailangan ninyo.
Mga
katanungan:
1. Naniniwala ka bang ipinagkaloob ng
Diyos ang lahat ng iyong pangangailanagan?
2.
Ayon sa Mate 6:33 – ano para sa iyo
ang ibig sabihin ng salitang “pagsumakitan”?
3.
Pag sinabing “higit sa lahat”, ano
ang sabihin nito para sa iyo ayon sa sinasabi sa talata?
4.
Ano ang sa palagay mo ang dahilan at
maraming tao ang hind imaging “higit sa lahat” ang Diyos para sa kanila o bakit
hindi si Lord ang priority ng tao? Ano ba ang mas inuuna ng tao kaya hindi nila
mauna ang Diyos sa buhay nila?
5.
Ano ang sinasabi sa v32 na
kinahuhumalingan ng mga tao? At sino daw ang mga taong nahuhumaling ditto? Ikaw
ba ay iyan din ang mas kinahuhumalingan mo? Ibahagi
6.
Ayon sa v33 – ano daw ang dapat
gawin upang ang lahat ng ating panganga ilangan ay ipagkaloob ng Diyos?
Naniniwala k aba ditto? Kung naniniwala ka ditto, ginagawa mob a ito? Kung
hindi pa, ano ang mga aksiyon mo o hakbang mo para magawa ito?
Gawin ito:
1.
Manalangin na ang Diyos ang maging
priority n gating mga buhay.
2.
Manalangin na kung may dapat tayong
kahumalingan, ito ay ang Diyos at ang Kanyang kaharian dahil dio nakasalalay
ang pagkakaloob Niya ng lahat ng bagay para sa atin.
3.
Manalangin ang bawat isa na sa isang
linggong daraan ay makapagbahagi tayo ng Salita ng Diyos at magkapag-invite
tayo ng tao sa ating worship service.
Pinanggalingan:
SOLWIN Church “Do you believe” cell leaders’ guide
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.