Ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka.
Mateo 6:4
Mateo 6:4
Basahin: Mateo 6:1-4
1 “Mag-ingat kayo at baka ang paggawa ninyo ng mabuti ay pakitang-tao lang. Sapagkat kung ganyan ang ginagawa ninyo, wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit.
2 “Kaya kapag nagbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao roon sa mga sambahan at sa mga daan upang purihin sila ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.
3 Sa halip, kung magbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipaalam kahit sa pinakamatalik nʼyong kaibigan,
4 upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa inyo.”
Mateo 6:1-4 (Ang Salita ng Dios)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Nakilala ni Denise sa pagtitipon nilang mga nagtitiwala kay Jesus ang isang babaeng lugmok sa problema. Naawa si Denise kaya tinulungan niya ito. Linggu-linggo siyang gumugugol ng oras para payuhan at manalangin kasama niya. Pero kahit siya ang tumutulong sa babae, hindi iyon napansin ng mga namumuno sa kanilang pagtitipon kaya humanap sila ng ibang tutulong sa babae. Pero walang ibang tumulong.
Hindi naghihintay si Denise na mapansin ang ginagawa niya, hindi niya mapigilang madismaya. Sinabi niya, “Para kasing wala akong nagagawa.”
Ngunit isang araw, sinabi ng babae kay Denise na lubos ang pasasalamat nito sa ginawa niyang pagdamay sa kanya. Nagpasigla ito kay Denise na parang sinasabi ng Dios sa kanya, “Alam Kong nariyan ka para sa kanya.” Patuloy na tinulungan ni Denise ang babaeng iyon.
Minsan, naiisip din natin na hindi napapahalagahan ang mga ginagawa natin. Gayon pa man, ipinapaalala sa atin sa Biblia na alam ng Dios ang mga ito. Nakikita Niya ang hindi nakikita ng iba. At nasisiyahan Siya kapag naglilingkod tayo alang-alang sa Kanya at hindi para mapansin o mabigyan ng parangal.
Ito marahil ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus na kung magbibigay tayo, gawin natin ito ng lihim “at ang [ating] Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan [tayo]” (Mateo 6:4).
Hindi natin dapat asamin na mapansin at mapapurihan ng ibang tao. Magalak tayo sa katotohanang alam ng Dios ang ating tapat na paglilingkod sa Kanya.
-Leslie Koh
Nakikita ng Dios ang lahat ng ginagawa natin para sa Kanya.
Copyright © 2019 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
React, Share and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/ odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ odbpilipinas
Visit tagalog-odb.org for more
Follow us on Twitter: twitter.com/
and on Instagram: instagram.com/
Visit tagalog-odb.org for more
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.