Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Aklat ng Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit bilang pagpapakita ng kalungkutan niya.
2 Hari 22:11
2 Hari 22:11
Basahin: 2 Hari 22:1-4, 8-13
1 Si Josia ay walong taong gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 31 taon. Ang ina niya ay si Jedida na taga-Bozkat at anak ni Adaya.
2 Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At lubos siyang sumunod sa mga utos ng Dios.
3 Nang ika-18 taon ng paghahari ni Josia, pinapunta niya sa templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Shafan, na anak ni Azalia at apo ni Meshulam at sinabi,
4 “Pumunta ka sa punong pari na si Hilkia at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng templo.

8 Sinabi ni Hilkia na punong pari kay Shafan na kalihim, “Nakita ko ang Aklat ng Kautusan sa templo ng Panginoon.” Ibinigay ni Hilkia ang aklat kay Shafan at binasa niya ito.
9 Pagkatapos, pumunta si Shafan sa hari at sinabi, “Kinuha na po ng mga opisyal ninyo ang pera sa templo at ibinigay sa mga katiwala na itinalaga sa pagpapaayos ng templo.”
10 Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay na aklat sa akin ang paring si Hilkia.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.
11 Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Aklat ng Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit bilang pagpapakita ng kalungkutan niya.
12 Inutusan niya sina Hilkia na pari, Ahikam na anak ni Shafan, Acbor na anak ni Micaya, Shafan na kalihim at Asaya na personal niyang lingkod. Sinabi niya,
13 “Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga mamamayan ng Juda tungkol sa nakasulat sa aklat na ito. Galit na galit ang Panginoon sa atin dahil hindi sumunod ang mga ninuno natin sa nakasulat dito. Hindi natin ginagawa ang mga ipinatutupad ng aklat na ito.”
2 Hari 22:1-4, 8-13 (Ang Salita ng Dios)

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Nang iuwi namin sa bahay ang aming batang inampon, desidido kaming mahalin siya at ibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan . Isa na rito ang makakain siya nang maayos. Pero kahit ginawa na namin ang lahat, hindi pa rin naging maayos ang kanyang kalusugan. Tatlong taon pa ang lumipas bago ko nalaman na may mga pagkain pala na hindi kayang tanggapin ng katawan niya. Kaya, nang hindi na namin pinakain ang mga iyon, lumusog at lumaki siya sa loob lamang ng ilang buwan. Nalungkot man ako na pinakain ko siya ng pagkaing bawal sa kanya nang hindi ko sinasadya, masaya naman ako dahil maayos na ang kanyang kalusugan.
Marahil ganoon din ang naramdaman ni Haring Josias nang matagpuan ang Aklat ng Kautusan pagkatapos na mawala ito sa templo ng maraming taon. Nalungkot siya dahil hindi niya sinasadyang makaligtaan ang pinakanais ng Dios para sa mga Israelita (2 Hari 22:11). Kahit na noon pa ma’y nasusunod na niya ang Dios, natutunan niya ngayon kung paano higit na mapaparangalan ang Dios (TAL. 2). Sa bago niyang nalaman, pinangunahan niya ang mga Israelita na sumambang muli sa Dios bilang pagsunod sa Kautusan (23:22-23).
Habang natututunan natin sa Biblia kung paano pararangalan ang Dios, maaaring malungkot tayo sa mga panahong hindi natin Siya napararangalan. Gayon pa man, hindi tayo dapat labis na malungkot. Palalakasin ng Dios ang ating loob at gagabayan na maisapamuhay ang ating mga bagong nalaman.
-Kirsten Holmberg
Tutulungan tayo ng Dios na magsimulang muli.
Copyright © 2019 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
React, Share and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/ odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ odbpilipinas
Visit tagalog-odb.org for more
Follow us on Twitter: twitter.com/
and on Instagram: instagram.com/
Visit tagalog-odb.org for more
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.