Monday, December 2, 2019

Isang obserbasyon sa lipunan




Epekto ng social media sa mga tao ngayon
                                  
                         Hindi ko alam kung anong isusulat ko dito sa blog na ito, out of my random thoughts naisip ko na isulat ang napapansin ko sa society ngayon. Sa panahon ngayon malaki ang epekto ng social media lalong lalo na ang paggamit ng Facebook at Messenger application ng mga pinoy, oo malaki ang tulong nito lalong higit sa mga OFW pero sa kabilang banda, malaki din ang masamang dulot nito. Isa sa mga magandang epekto nito ay ang komunikasyon sa iba’t ibang tao na kahit malayo o nasa ibang lugar ay mayroon parin interaksyon at dahil narin libre din naman ang paggamit nito kaya hindi din masyadong magastos bukod sa ibang gamit nito.
                
                 Napapansin ko kasi na kung ano ang uso “trend” sa society o social world ito ay nagiging pamantayan ng tao sa pagtingin at pagbibigay ng ebalwasyon at opinion gaya na lamang na kapag may gadget kang mamahalin halimbawa IphoneX, isang uri ng selpon na mataas ang klase at may kalidad dahil sa international brand and quality nito, ang tingin ng tao sa iyo ay mayaman, hindi man ito tuwirang colonial mentality pero ito’y hawig doon.
                
                     Nakakalungkot dahil maraming tao ang dumesepende sa standards ng mundo na hindi naman dapat kaya maraming tao ang nagkakaroon ng problema kahit hindi naman talaga dapat pinoproblema ang isang bagay, nagiging dahilan ng labis na pag-iisip ng isang tao na nagiging sanhi ng stress o mas masama ay anxiety, depression. Ikaw napapansin mo din ba ito sa society na kinabibilangan mo? Na dapat mayroon din akong gantong selpon, laptop, damit at kung anu-ano pa, dapat nag-mimilk-tea din kami at nagpipicture para pang-myday/story sa mga iba’t ibang platforms ng social media.
                
                 Oo, tamang hindi natin maitatanggi na isa tayo doon, pero hindi natin dapat iyon ugaliin dahil ito’y maaaring humantong sa pagkainngit, sama ng loob at kung anu-ano pang negatibong epekto sa iyong pag-iisip. MY DEAR FRIEND, DON’T RELY ON THE SOCIAL STANDARDS! Ikaw lang ang mahihirapan, hindi mo kailangang makipagsabayan sa mapepera, panandaliang kasiyahan lang naman ang dulot nun eh.
                
                         Isa pa, ang pagkakaroon ng karelasyon ay nagiging uso nadin, maraming tao na ang nagpopost na hindi daw nila kayang mabuhay kapag ang kanilang boyfriend/girlfriend, nagiging madrama ang tao ngayon, always seeking for attention. Alam mo bang psychological speaking, maaraming personality trait disorder na iyon. Naparaming oras ang nasasayang dahil sa pagbababad ng tao sa social media platforms, pagsheshare ng mga bagay na walang kwenta at dahil nga ito ang “trend” sa mundo ngayon.
               
                          Hindi naman natin maikakaila na talagang nasa era na tayo ng puro teknolohiya ang gagalaw, dahil narin sa globalisyasyon na malaking ang naidulot (masama man o maganda) sa lahat ng aspekto ng tao mapa-ekonomiya, interaksyon, kalakalan at maging bilang indibidwal.
Ang lahat ng nakasulat dito ay aking obserbasyon at opinion.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

TEAM KAGU version 2.0

                                 STRONGER THAN BEFORE!!!! playing pass the message is so fun especially when the messag...