Pinatutunayan ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.
Roma 5:8
Roma 5:8
Basahin: Lucas 7:36-50
36 Inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta naman si Jesus at kumain doon.
37 Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabango na nasa isang sisidlang yari sa batong alabastro.
38 Lumapit siya sa likuran ni Jesus sa bandang paanan. Doon ay umiyak ang babae at tumulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.
39 Nang makita iyon ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam sana niyang masama ang babaeng ito na humihipo sa Kanya.”
40 Pero alam ni Jesus ang nasa isip niya, kaya sinabi ni Jesus, “Simon, may sasabihin Ako sa iyo.” Sumagot si Simon, “Ano po iyon, Guro?”
41 Sinabi ni Jesus, “May isang lalaking inutangan ng dalawang tao. Ang isaʼy umutang sa kanya ng 500, at ang isa namaʼy 50.
42 Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang lalong magmamahal sa nagpautang?”
43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang.” “Tama ang sagot mo,” sabi ni Jesus.
44 Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Tingnan mo ang babaeng ito. Nang pumasok Ako sa bahay mo, hindi mo Ako binigyan ng tubig na ipanghuhugas sa paa Ko. Pero ang babaeng itoʼy sariling luha ang ipinanghugas sa paa Ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito.
45 Hindi mo Ako hinalikan bilang pagtanggap, pero siyaʼy walang tigil sa paghalik sa mga paa Ko mula nang dumating Ako.
46 Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo Ko, pero pinahiran niya ng mamahaling pabango ang mga paa Ko.
47 Kaya sinasabi Ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa Akin ay nagpapatunay na pinatawad na ang marami niyang kasalanan. Pero ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal.”
48 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, “Pinatawad na ang mga kasalanan mo.”
49 Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, “Sino kaya ito na pati kasalanan ay pinapatawad?”
50 Sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya . Umuwi kang mapayapa.”
Lucas 7:36-50 (Ang Salita ng Dios)

50 Sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya
Lucas 7:36-50 (Ang Salita ng Dios)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Napakametikulos o ng mga Hapon pagdating sa kanilang mga produktong pagkain. Para sa kanila, hindi lamang ito dapat maging masarap kundi dapat maganda rin itong tingnan. Mahalaga talaga sa kanila ang kalidad ng produkto kaya itinatapon nila kahit na maliit lang ang depekto nito. Pero nauso na ngayon ang tinatawag nilang produktong wakeari na ang ibig sabihi’y “may dahilan.” Hindi itinatapon ang mga may kaunting depekto kundi ibinebenta ang mga ito sa mas murang halaga dahil may dahilan. Halimbawa, may kaunting durog o bitak sa tinapay.
Ayon sa aking kaibigan na naninirahan sa Japan, wakeari rin ang tawag sa taong may mga kapintasan.
Mahal ni Jesus ang lahat ng tao maging ang mga wakeari na isinasantabi ng lipunan tulad ng babaeng namumuhay sa kasalanan na binanggit sa Biblia. Nang malaman ng babae na inimbitahan si Jesus sa bahay ng isang Pariseo, nagpunta siya roon. Lumuhod siya sa paanan ni Jesus at saka tumangis. Tinawag siyang makasalanan ng Pariseo pero iba ang ginawa ni Jesus. Malugod Niyang tinanggap ang babae at tiniyak sa kanya ni Jesus na pinatawad na ang mga kasalanan niya (Lucas 7:37-39;48).
Mahal ni Jesus ang mga itinuturing na wakeari na tulad natin. Ipinakita Niya ang Kanyang pagmamahal sa atin na “noong tayo’y makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin” (Roma 5:8). Bilang mga minahal ng Dios, mahalin din natin ang ating kapwa kahit na sa palagay nati’y hindi sila karapatdapat mahalin.
-Albert Lee
Sa pagmamahal ng Dios, magagawa Niyang ayusing muli ang mga wasak nating buhay.
Copyright © 2019 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
React, Share and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/ odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ odbpilipinas
Visit tagalog-odb.org for more
Follow us on Twitter: twitter.com/
and on Instagram: instagram.com/
Visit tagalog-odb.org for more
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.