Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo’y nakabilanggong kasama nila.
Hebreo 13:3
Hebreo 13:3
Basahin: Hebreo 2:14-18; 13:1-3
14 At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay malupig Niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
15 Sa ganitong paraan, pinalaya Niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.
16 Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Jesus kundi ang lahi ni Abraham.
17 Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Jesus, upang maging katulad Siya ng mga kapatid Niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, Siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Dios para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao.
18 At dahil Siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso Siya, matutulungan Niya ang mga dumaranas ng tukso.
14 At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay malupig Niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
15 Sa ganitong paraan, pinalaya Niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.
16 Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Jesus kundi ang lahi ni Abraham.
17 Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao
18 At dahil Siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso Siya, matutulungan Niya ang mga dumaranas ng tukso.
Hebreo 13:1-3
1 Magpatuloy kayo sa pag-iibigan bilang magkakapatid kay Cristo.
2 Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel na pala ang mga bisita nila.
3 Damayan ninyo ang mga kapatid na nasa bilangguan na parang nakabilanggo rin kayong kasama nila, at damayan din ninyo ang mga kapatid na pinagmamalupita n na para bang dumaranas din kayo ng ganoon.
Hebreo 2:14-18; 13:1-3 (Ang Salita ng Dios)
1 Magpatuloy kayo sa pag-iibigan bilang magkakapatid kay Cristo.
2 Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel na pala ang mga bisita nila.
3 Damayan ninyo ang mga kapatid na nasa bilangguan na parang nakabilanggo rin kayong kasama nila, at damayan din ninyo ang mga kapatid na pinagmamalupita
Hebreo 2:14-18; 13:1-3 (Ang Salita ng Dios)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
May naimbentong kasuotan na kapag isinuot mo, pakiramdam mo’y naging matanda ka. Lalabo ang paningin mo, hihina ang pandinig at babagal ang pagkilos mo. Layunin ng kasuotang ito na tulungan ang mga nag-aalaga ng matatanda na mas maintindihan ang kanilang mga inaalagaan. May sinabi naman ang manunulat na si Geoffrey Fowler matapos niyang maranasang isuot ang kasuotang iyon. Sinabi niya, “Naintindihan ko na ngayon ang pakiramdam na maging isang matanda. Pero higit kong natutunan kung paanong uunawain at dadamayan ang iba."
Ang dumamay sa iba ay paglalagay ng sarili sa mismong kalagayan ng ating kapwa. Noong panahong pinahihirapan ang mga sumasampalataya kay Jesus, hinikayat ng manunulat ng Hebreo ang kapwa niya mananampalataya na patuloy na damayan ang mga nasa bilangguan na parang sila rin ay nakabilanggong kasama nila (Hebreo13:3).
Iyon mismo ang ginawa sa atin ng Panginoong Jesus. Dinamayan Niya tayo at naging tao Siyang tulad natin. Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao (Hebreo. 2:17). “At dahil nakaranas Siya mismo ng paghihirap nang tinukso Siya, matutulungan Niya ang mga dumaranas ng tukso” ( TAL. 18 ASD).
Nais ni Jesus na damayan natin ang ating kapwa sa oras ng kanilang pangangailangan na para bang iyon din mismo ang ating nararanasang sitwasyon.
-David McCasland
Hinihikayat tayo ni Jesus na damayan ang ating kapwa na inilalagay ang sarili sa kalagayan nila.
Copyright © 2019 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
React, Share and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/ odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ odbpilipinas
Visit tagalog-odb.org for more
Follow us on Twitter: twitter.com/
and on Instagram: instagram.com/
Visit tagalog-odb.org for more
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.